Pagsusulong ng House Bill 8719 para sa ecotourism zone ng bayan ng Jose Panganiban Camarines Norte aprubado na sa ikalawang pagbasa sa 19th congress

CAMARINES NORTE – Aprubado na sa ikalawang pagbasa sa 19th congress ang isinusulong na House Bill 8719 para sa Ecotourism Zone ng bayan ng Jose Panganiban Camarines Norte.

Ang layunin ng House Bill 8719 ay upang mas mapalakas ang turismo at itaguyod ang pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran ng nasabing bayan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kung sakaling maisabatas ang house bill na ito, ay magkakaroon ng malaking potensyal na maging tanyag na destinasyon ang bayan ng Jose Panganiban para sa ecotourism.

Bukod dito, inaasahang magdadala rin ito ng mga oportunidad sa ekonomiya ng bayan, tulad ng paglikha ng mga trabaho at pag-unlad ng mga negosyo sa sektor ng turismo.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Bilang isang Ecotourism Zone, inaasahang magkakaroon ng mga pampublikong pasilidad, imprastraktura, at serbisyo na naglalayong mapangalagaan ang likas na yaman ng lugar at tuklasin ng mga turista ang kagandahan at kahalagahan ng ecosystem ng nasabing bayan. Samantala, maaaring isumite sa ika-3 pagbasa ang panukalang batas sa buwan ng Disyembre. ### CHRISTIAN MAGO