Pagsunod sa health protocols, pinaalala ng DOH Camarines Sur sa mga magdadala ng tulong sa Albay evacuees

NAGA CITY- Sumunod sa mga health protocols na ipinatutupad sa Albay ang paalaa ng Department of Health Camarines Sur sa mga maghahatid ng tulong sa mga evacuees na apektado ng nag-aalburutong Bulkang Mayon.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Dr. Rey Millena, DOH Camarines Sur Officer.  Mababatid na sa press conference ni kahapon, sinabi ni DOH Regional Director Dr. Ernie Vera na mayroong nag positibo sa naturang sakit sa isang evacuation center at may mga close contacts.  Gumagawa na ng mga hakbang ang DOH Bicol upang mapigilan ang paghawa-hawa ng sakit.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod
Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon kay Millena, mainam na mag facemask at magtala ng mga pangalan kung tutungo o bibisita sa mga evacuees dahil hindi pa aniya tuluyang nawawala ang naturang sakit, maaaring makahawa o mahawaan.