Pagsunod sa health protocol ipinaalala ng Comelec sa pagsisimula ng campaign period para sa national position ngayong araw

CAMARINES NORTE- Pormal nang nag umpisa ngayong araw ng Martes ang campaign period para sa national position.

Kaya naman sa unang araw pa lamang ay inasahan na ang ingay at kaniya- kaniyang gimik ng mga tumatakbong kandidato mula sa posisyon ng Pangulo hanggang Party list.

Kaninang umaga ay mayroon nang ilang grupo na nagsagawa ng motorcade dito sa bayan ng Daet.

Kaugnay nito ay nagpaalala ang Commission on Elections sa mga kandidato at mga taga suporta na sundin ang health protocols sa panahon ng kampanya.

Ayon kay Election Officer III Virgilio Veras, bagamat hindi ipinagbabawal ang nakagawiang kampanya bago pa nagkaroon ng pandemya ay mayroon umanong ginagawang paghihigpit ngayon.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Paliwanag ni Veras, pwede naman ang mga pagtitipon tulad ng mga rally at motorcade pero dapat ay sundin ang panuntunan ng Comelec at ng Inter Agency Task Force (IATF).

Kabilang sa mga ipinagbabawal ngayon sa pagsasagawa ng mga political rally at meeting ay ang pakikipag kamay, pagyakap o anumang aksyon na involve ang physical contact.

Bawal din ang selfie, pamamahagi ng pagkain at inumin at iba pang items.

Dapat ding limitahan ang pasahero sa mga sasakyan sa gagawing motorcade at caravan depende sa IATF level at klase ng sasakyan.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ayon kay Veras mayroong monitoring team ang Comelec sa kada bayan upang bantayan ang galaw ng mga kandidato.

“Wala namang problema pwede nila itong gawin pero dapat ay sinusunod nila yung ating protocol  dahil nga meron tayong pandemic,” ani Veras.

“May monitoring tayong gagawin dito dahil nga isa yun sa magiging parte ng trabaho natin na gagampanan ngayong campaign period in particular ng mga municipal candidates.”

Magsisimula naman ang Campaign period para sa local postion sa March 25.