Kompyansa ang Legazpi City Tourism Office na maraming mga turista ang darating o papasok ngayong taon dahil maraming mga Gawain ang isasagawa.
Ayon kay Cristina Agapita Pacres, head ng nasabing tanggapan, may mga organisasyong nangako na magdaraos ng mga gawain kung kaya’t posibleng sisipa ang turismo sa lunsod.
Kabilang umano sa mga inaasahan ay ang pagsasagawa ng Philippine Institute of Chemical Engineers (PICHE) at ang Area B Assembly of United Architects of the Philippines (UAP) ng convention, seminar, trainings at iba pa.
Nakatakda ring magsagawa ng pagtitipon ang Rotary Club at ang Japan International Cooperation Agency (JICA) – International Conference on Organic tungkol sa solid waste management sa Marso.
Isasagawa rin ang International River Summit kabilang ang Kiwanis District, isang national convention of Psychology at ang 38th Philippine Coast Guard Auxiliary.
Sinabi niya pa na magsasagawa rin ng seminar na magbabalik sa kasiyahan sa mga dayuhan at stakeholders tulad ng mga lehitimong tricycle driver para sa mahusay na serbisyo sa transportasyon sa mga turista upang himukin silang bumalik sa lungsod.