Pagpupuslit ng smuggled ukay-ukay ng Customs officials, pinaiimbestigahan sa Kamara

Pinaiimbestigahan ni Manila 6th District Representative Benny Abante ang umano’y katiwalian at “smuggling” sa loob ng Bureau of Customs sangkot ang mga ukay-ukay.

Batay sa House Resolution 1602, nais ipasiyasat ni Abante ang pagtanggap umano ng nasa 1.5 million pesos na “tongpats” para sa ukay-ukay.

Read More:  DSWD denies free aircon claims for 4Ps members

May ilang opisyal at empleyado aniya ng BOC ang tumatanggap ng tongpats, kapalit ng pagpapahintulot na maipasok ang mga ilegal na produkto gaya ng ukay-ukay.

Ayon kay Abante, ito ay paglabag sa Republic Act 4653 o batas na nagbabawal sa pag-aangkat ng “textile articles” o “used clothing” o mga gamit nang mga damit para sa proteksyon sa kalusugan ng mga Pilipino at mapanatili ang dignidad ng bansa.

Read More:  Lawyers of EJK Victims hope change in Duterte’s legal team will not delay ICC proceedings

Dagdag pa ng kongresista, sa kabila ng pagsasabatas ng Customs Modernization and Tariff Act, nakadidismaya na nagpapatuloy pa rin ang korapsyon sa BOC.