Pagpick up at pagbaba ng pasahero sa mga Pedestrian lanes kabilang sa mga traffic violations ng mga driver sa Naga City  

NAGA CITY –I-respeto dapat ng mga drivers, pampubliko man o pribadong sasakyan ang pedestrian lanes na para sa publiko at hindi babaan at loading station ng mga pasahero.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Grace Rojas, head ng Land Transportation Office sa Naga City sa patuloy nilang isinasagawang pagsita sa mga pasaway na drivers bilang bahagi pa rin ng One Time Bigtime, kasabay na rin ng kanilang pakiusap na may kasamang babala.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City
Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Anya’y kawawa naman ang publiko na sana ay tatawid sa pedestrian lanes na siya pang sinisigawan at binusinahan ng malakas ng mga pasaway na drivers lalo na kung mabagal maglakad at tumawid tulad ng mga Senior Citizens at Persons With Disability.