Pagpayag na makabiyahe ang mga unconsolidated PUVs – patunay lang daw na ‘palpak’ ang PUV Modernization Program

Iginiit ni MANIBELA President Mar Valbuena na palpak ang PUV Modernization Program ng gobyerno, at hindi nito kaya nang wala ang mga tradisyonal na jeep.

Ito ay matapos pahintulutan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makabiyahe ang unconsolidated jeepneys at UV express sa higit 2,500 na mga ruta na may mababang bilang ng mga consolidations.

Read More:  DICT confirms online posts encouraging people to cause trouble at the Senate

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Valbuena, kinwestyon nito kung bakit ngayon lang ito ginawa at ipinaalam ng LTFRB.

Read More:  SP Cayetano confirms Sen. Bato no longer inside Senate building

Ayon kay Valbuena, maraming mga ruta ang hindi kasama sa listahan ng LTFRB.

Ang mga ruta rin aniya na ito ay parang hinula-hulaan lang.

Samantala, sinabi ni Valbuena na tila ipinahiya ng LTFRB si Pangulong Marcos dahil sa hakbang na ito.