Pagpasa sa bicam ng Maritime Zones Act – ‘long overdue’ na ayon sa isang kongresista

Naniniwala si Negros Occidental Representative Jose Francisco Benitez na long overdue na ang pag-apruba sa Maritime Zones Act matapos lumusot sa Bicameral Conference Committee ang reconciled version.

Ayon kay Benitez, napapanahon na ang isang batas na naghihiwalay sa maritime domains ng bansa upang igiit ang saklaw ng soberanya, hurisdiksyon at karapatan alinsunod sa UNCLOS.

Naging malinaw aniya kung hanggang saan ang internal at archipelagic waters ng bansa at nakahanay ang kahulugan sa Konstitusyon at sa UNCLOS.

Read More:  Palace urges lawful action on Bato ICC arrest issue

Ito’y upang protektahan ang karagatan mula sa ilegal na pagpasok ng mga dayuhang barko.

Ipinaliwanag din ni Benitez na pagtitibayin ng panukalang batas ang paggiit sa maritime entitlements sa West Philippine Sea na bahagi ng Exclusive Economic Zone at ang Philippine Rise na kasama sa extended continental shelf.

Read More:  House of Representatives impeaches VP Sara Duterte

Bukod dito, nagsisilbi umanong pundasyon ang Maritime Zones Act para sa dalawang mahahalagang maritime governance bills na ipinasa ng Kamara partikular ang designation ng archipelagic sea lanes at Blue Economy Bill na nagbibigay ng mandato sa maritime spatial planning.

Dagdag pa ng kongresista, palalakasin ng panukalang batas ang pagtukoy sa maritime areas na sakop ng isusumite sa United Nations kabilang ang claim sa West Palawan na bahagi ng extended continental shelf.