Pagpapatupad ng total ban sa paputok, tinutulan ng Bulacan LGU

Tutol si Bulacan Governor Daniel Fernando sa isinusulong na total firecracker ban sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Para kay Fernando, bahagi na ito ng tradisyon at nakagawian na ng mga Pilipino ang pagpaputok.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon sa opisyal, hindi puwedeng maghiwa-hiwalay at iwanan ang mga tahanan para salubingin ang pagpapalit ng taon.

Samantala, ang Bulacan LGU naman ay hinihigpitan ang kanilang isinasagawang inspeksyon sa mga tindahan ng paputok.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Bukod dito, panay rin ang kanilang paalala sa mga residente na mag-ingat at maging responsable sa paggamit ng mga firecrackers.

Kilala ang Bulacan sa industriya ng paputok at taon-taong dinarayo ang bayan ng Bocaue para makabili ang publiko ng iba’t ibang klase ng paputok at pailaw.