Pagpapatayo ng slaughter house sa bayan ng Juban sinisimulan nang balangkasin

Sinisimulan nang balangkasin ng Sangguniang Bayan ng Juban, Sorsogon ang plano ng pamahalaang bayan na makapagpatayo ng sarili nitong slaughter house.

Sa 100 days report ni Mayor Gloria Alindogan, alkalde ng nasabing bayan, isa ang slaughter house sa mga binabalangkas ngayon ng Sangguniang Bayan para makagawa ng resolusyon at ordinansa para mailatag ng maayos ang mga dokumento at mga kailangang gawin para maisakatuparann ang nasabing proyekto.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Matatandaang isa ang bayan ng Juban sa mga hinimok ng Sangguniang Panlalawigan sa pamamagitan ng resolusyon ni Board Member Roland Anonuevo na mag patayo ng sariling slaughter house dahil isa aniya ito sa mga preventive measures laban sa african swine fever (ASF) virus.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Kabilang din sa mga hinimok ng Sangguniang Panlalawigan na magpatayo ng sariling slaughetr house ay ang mga bayan ng Matnog, Sta. Magdalena  at Barcelona.