Pagpapatayo ng bagong 10-storey building sa BRHMC, inaasahang maging katulad ng isa sa mga malaking ospital sa bansa

Inaasahang sa mga susunod pang mga taon ay maitatayo na ang bagong bago na 10-storey hospital sa Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay Dr. Eric Raborar, chief ng nasabing ospital, masisilayan at mararanasan na rin ng mga Albayano ang itatayong mala St. Luke’s Hospital sa nasabing lalawigan sa oras na matapos ang nasabing proyekto.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Aniya, hindi nito inakalang magiging prayoridad ng Ako Bicol Party List na mapagpapatayuan ng bagong ospital.

Hindi lamang bagong ekipahe ang kanilang makikita, maging pagbibigay serbisyo o pakikitungo ng mga empleyado ay mayroon umanong pagbabago.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Pinasalamatan ni Raborar ang mga tumulong sa pagbibigay pondo para maitayo ang mala St. Luke’s Hospital sa Albay.

Ang pondo na inilaan rito ay gagamitin sa pagpapatayo ng Phil. Cancer Center, Lung Center, Phil. General Hospital, Phil Children’s hospital at iba pa.