Pagpapataw ng multa sa mga motoristang sumisilong sa t’wing umuulan, pinagpapaliban

Nanawagan si 1-Rider party-list Representative Rodge Gutierrez na ipagpaliban muna ang pagpapataw ng multa at panghuhuli sa mga motorcycle riders na sisilong sa ilalim ng mga flyover at footbridge.

Ayon kay Gutierrez, hindi muna dapat ipatupad ang naturang hakbang ng Metro Manila Development Authority (MMDA) lalo at wala pang alternative solution sa sitwasyon ng mga riders, at panahon pa ng tag-ulan.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Giit pa nito, wala naman kasing choice ang mga motorista kung ‘di sumilong dahil delikadong tumakbo, at pahirapan pa sa tuwing lumalakas ang ulan.

Ipinaliwanag ng mambabatas, madadala naman daw sa paliwanagan ang kanilang sektor, pero dapat ay may malinaw na guidelines ang MMDA, at nararapat ding magkaroon ng sapat na panahon para ipaalam sa mga ito kung saan dapat pansamantalang humito o sumilong.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Sa huli, mariing sinabi ng Kongresista na sinusuportahan nila ang inisyatibo ng ahensya na mag-provide ng lay-bys at tents sa gas stations, ngunit hindi dapat isipin agad ang pagpapatupad ng parusa gayung isinasaayos pa ang lahat.
#