Pagpapanggap ng ilang Chinese nationals bilang Pinoy, pinaiimbestigahan sa Senado

Naniniwala si Senadora Risa Hontiveros na karapatan ng bansa na maalarma sa biglaang pagdami ng mga nauulat na Chinese student sa Cagayan na gumagamit ng mga kaduda-dudang kredensyal.

Ito ay lalo na’t kaliwa’t kanan ang water cannon attack na nararanasan ng mga Pilipino mula sa China.

Kwento ng senadora, makikita rin sa mga nauna niyang imbestigasyon sa Senado ang pang-aabuso ng ilang dayuhan sa proseso ng Bureau of Immigration at maging paggamit ng mga ito ng mga pekeng dokumento tulad ng birth certificate at Philippine passport.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Kaugnay nito, pormal na naghain ng resolusyon sa Senado si Hontiveros na naglalayong paimbestigahan ang paggamit ng mga dayuhan ng mga pekeng dokumento upang ma-concentrate ang isang lugar na siyang mahalaga sa pambansang depensa.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Maalala, ayon sa ulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) mayroong dalawampu’t apat na Interactive Gaming Licensees at labingwalong Interactive Gaming Support Service Providers ang matutunton sa loob ng Cagayan Economic Export Authority (CEZA) na ilang kilometro lang kula sa Taiwan.