Nakalusot na sa second reading ng House of Representatives ang panukala na layong ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Sa pamamagitan ng viva voce voting, lusot na ang House Bill 4673.
Ang panukalang ito ay substitute bill ng dose-dosenang mga panukalang inihain sa Kamara para i-postpone mule ang barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda na sana ngayong Disyembre.
Sa ilalim nito, ipagpapaliban ng isang taon ang naturang halalan.
Ibig-sabihin, itatkda ang BSK elections sa unang Lunes sa Disyembre ng taong 2023.
Matatandaaang sa mga nagdaang budget hearings ng Commission on Elections, isiniwalat ni COMELEC chairperson George Garcia na mas dodoble pa ang magagastos ng Gobyerno sakalaling ipagpaliban ang BSK elections.
#