CAMARINES NORTE – Tututukan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagpapalakas ng industriya ng asin sa bansa.
Sa isinagawang Fisheries Extension Workers Training Consultation meeting sa BFAR Provincial Office, isa sa mga nakatalakay ay ang pagbuhay sa Philippine salt Industry.
Ayon sa ahensiya nasa 80 hanggang 90 porsiento ng suplay ng asin ay iniimport pa sa ibang bansa samantalang malawak ang karagatan ng Pilipinas.
Mababatid na mayroong proyekto patungkol dito ang BFAR sa apat na lugar sa Bicol Region at isa na sa Camarines Norte partikular sa bayan ng Sta Elena.
Isa ang pagbuhay sa industriya ng asin sa priority thrusts ng ahensiya.
Noong 2023 naiulat na umaasa lang ang Pilipinas sa importation ng asin matapos bumaba ang local production nito.
Maliban sa pagbuhay sa industriya ng asin, ilan pa sa priority thrusts ng BFAR ay ang modernisasyon ng fisheries laboratoey facilities, pag improve ng coastal resilency at implementation ng Fisheries Management Areas at marami pang iba.
