Pagpapaikli ng oras ng curfew sa Camarines Norte masusing pinag aralan ng IMT

CAMARINES NORTE- Pinag aralan umano ng Provincial Incident Management Team ang desisyon na iklian ang oras ng curfew sa lalawigan ng Camarines Norte na mula sa alas 10 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga ay binago ito sa alas 12 ng hatinggabi hanggang alas 4 ng madaling araw simula nitong Miyerkules.

Ayon kay acting  Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco  na siya ring Incident Commander for Health na kailangan ding tulungan ang ekonomiya habang nakikipaglaban sa COVID- 19.

“Tinimbang- timbang sapagkat sabi ko nga yung economy natin ay gusto rin nating tulungan, ani Francisco sa panayam ng Provincial Government owned radio station na Radyo Pilipinas.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

“Sapagkat yung mga night shift na  mga establishment na kung san dun lang po sila kumukita tuwing gabi ay tinitimbang timbang din natin, baka mamaya pagdating ng araw wala na pong mga negosyante dito sa ating probinsiya.”

Tungkol naman sa kahilingan ng Medical groups sa Bicol na isailalim sa pinakamahigpit na quarantine restriction ang rehiyon, sinabi ni Francisco na ang IATF pa rin ang magdedesisyon ukol dito.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Eventhough ang primary concern natin ay masugpo, mahinto itong COVID -19, but ang atin sanang economy ay gumagana din, hindi po pwedeng bagsak na yung health, bagsak  pa yung economy.”

Matatandaan na umapela ang Medical groups sa IATF na isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang buong Bicol Region dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso COVID- 19.