Pagpapadeworm, may malaking epekto sa pagkakaroon ng maayos na nutrisyon ng bata

CAMARINES SUR-  Isang malaking papel ang ginagampanan ng deworming sa nutrisyon ng mga batang nag-eedad dalawa hanggang labingapat na taong gulang kung saan sa paraan ng pagdedeworm, natatanggal ang tinatawag na “parasite” sa katawan.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Dr. Nonoy Severo, Municipal Health Officer sa bayan ng Camaligan, Camarines Sur kaugnay sa pagdiriwang ng National Deworming Month. Sa nasabing bayan, dalawang beses sa isang taon ginagawa ang pagdedeworm sa mga bata makalipas ang anim na buwan. May mga pagkakataon na ayaw uminom ng gamot na pangpapurga ng mga bata kaya nakikipagtulungan sila sa mga magulang at humihingi ng permiso upang mapainom ito at mailabas ang bulate sa katawan.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port
Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Paliwanag ni Severo, nagiging kaagaw ng bata ang mga bulate sa tiyan pagdating sa pagsipsip ng mga sustansiyang mula sa kinakain nito kung kaya’t malaking tulong na mailabas ito mula sa katawan ng bata upang lahat ng nutrisyon na galing sa pagkain ay buo nilang nakukuha.