Mga makakatanggap ng kompirmasyon via text messages mula sa DSWD Bicol, ipaprayoridad para sa educational assistance

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol na ang tanging maipoproseso bukas para sa AICS educational assistance ay ang mga nakatanggap ng kompirmasyon sa pamamagitan ng text messagers.

Ayon sa ahensya, ang mga mabibigyan ng appointment ay mga aplikante na pumila o nag-email sa opisina ng DSWD Field Office V simula noong nakaraang Sabado, at nag-fill-out ng link o QR code hanggang Agosto 30, 2022.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Pinaalalahanan ng mga ito na bago magtungo sa kanilang provincial field office ay dalhin ang mga requirements tulad ng valid ID, school ID o certificate of enrolment, authorization letter na pirmado ng benepisyaryo kung ito ay nasa tamang edad, at iba pa, upang hindi na magkaroon pa ng pagkaantala nito.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Sinabi ng tanggapan, bukas ay magpapatuloy ang pagproseso ng AICS Educational Assistance sa iba’t ibang probinsya sa rehiyong Bicol.