Paglilihim ng tunay na estado ng kalusugan dahilan kung bakit mayroong mga nasasawi matapos maturukan ng bakuna

SORSOGON CITY – Naniniwala si City Health Office (CHO)-head Dr. Rolando Dealca na ang paglilihim at hindi pagsasabi ng totoo ang nagiging dahilan kung kaya mayroong mga nasasawi matapos na maturukan ng bakuna. Pahayag ito ng opisyal, sa harap ng pagtanggi ng ilang Senior Citizen na magpaturok ng bakuna bunsod ng nasabing dahilan.

Ayon dito, requirement kasi na magsabi ng tunay na estado ng kalusugan bago magpaturok ng bakuna na kadalasan umano ay binabalewala lamang.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Aniya, mayroong mga nagsisinungaling sa kanilang tunay na karamdaman  kung saan kapag mayroon ng masamang nangyari sa mga ito ay saka lamang malalaman ng mga medical health workers ang totoo.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ito aniya, ang dahilan kung bakit kanilang hinihiling sa mga magpapaturok ng bakuna na sabihin ang totoong kondisyon ng kanilang kalusugan bago magpabakuna upang makaiwas sa anumang komplikasyon na posibleng humantong sa pagkamatay.

Una rito, sa nagpapatuloy na vaccination roll out, mga senior citizen pa rin o mga kabilang sa A2 category ang mayroong pinakamababang turn out ng mga nagpapabakuna.