Paglikha ng Department of Peace na papalit sa OPAPRU, isinusulong

Isinusulong ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. ang paglikha ng Department of Peace na papalit sa Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity o OPAPRU.

Sinabi ni Galvez na ang iminumungkahing “Peace Department” ang magpapanatili ng mga nakamit ng komprehensibong prosesong pangkapayapaan at mag-i-institutionalize ng “peace agenda” ng pamahalaan.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Ayon kay Galvez, bahagi ng “best practices” ng ibang mga bansa ang pagkakaroon ng “Ministry or Department of Peace” para i-consolidate ang mga inisyatibang pangkapayapaan ng bawat administrasyon para pakinabangan ng mga susunod.

Makakatulong din aniya ang paglikha ng “Department of Peace” sa “Security of tenure” ng mga “peace builder” na iniukol ang kanilang talento at buhay sa pagsulong ng kapayapaan.

Read More:  Palace says Marcos had no power over Bonoan case drop

Ang OPAPRU ang dating Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) na nilikha sa pamamagitan ng Executive Order 158 na nilagdaan ng dating Pangulong Rodrigo Duterte noong December 2021.