Ilang personahe ng RHU Lagonoy, naghihintay pa rin sa Health Emergency Allowance noong pandemya

CAMARINES SUR – Hinihintay pa rin ng ilang personahe ng Rural Health Unit sa Lagonoy, Camarines Sur ang Health Emergenmcy Allowance (HEA) na ipinangako ng pamahalaan sa lahat ng mga medical frontliners na nagbigay ng serbisyo noong pandemya.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga kay Dr. Victor Amicis, Municipal Health Officer ng nasabing bayan, napag-alaman na nasa 70% naman na ang nabigyan ng HEA ngunit may iilan pa rin sa kanila ang hindi pa nabibigyan. Katunayan, hindi rin nila matukoy kung ilang buwan pa ang kanilang dapat hintayin para makuha ang nasabing allowance. Anya, nakabase rin ang halaga na kanilang matatanggap sa kung ilang duty hours ang nabigay nila.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community
Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Para sa kanilang mga health worker, gaano man kalaki o kaliit ang halaga nito, napakalaking tulong ito sa kanila.May katagalan man, umaasa pa rin sila na makokompleto itong maibigay sa kanila.