Paglalagay ng body cameras sa mga smoke-free enforcers ng LGU Legazpi, pinaplano

LEGAZPI CITY – Pinaplano lokal na pamahalaan ng Legazpi City na maglagay ng body cameras sa mga smoke-free enforcer ng lungsod bilaang isa sa mga paraan upang maprotektahan sila sa kanilang trabahong paghuhuli sa mga lumalabag sa smoke-free ordinance.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Ayon sa Chairperson ng Committee on Health ng LGU na si City Councilor Sunshine Imperial, titingnan at pag-aaralan na muna nila kung dapat nga bang maglagay ng cameras sa mga enforcer upang maiwasan ang mga pagdududa sa mga ito.

Read More:  Mayon gas emissions reach 26-year high, raising risk of explosive activity

May kamahalan din kasi ito na gagamitin sa paghuhuli sa mga lalabag sa lungsod. Sa ngayon ay nakatutok muna sila sa panibagong ordinansa ng lungsod sa pagbabawal na ang vaping ngunit hindi pa rin sila titigil sa paghuhuli sa mga nanininigarilyo sa mga pampublikong lugar.