LEGAZPI CITY – Inihayag ng Commission on Higher Education (CHED) Bicol, na mandatory ang pagkuha ng medical insurance na may Covid-19 coverage sa mga mag-aaral na sasabay sa limited face-to-face classes.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Education Supervisor II Dr. Ma. Pamela Viñas, ayon sa CHED-DOH JMC ang mga mag-aaral aniya ay dapat na rehistrado sa Philhealth bilang direct o indirect na contributor o kaya nama’y sa ibang health insurances na may Covid-19 coverage.
Aniya kailangan ito para narin masiguro ang proteksyon ng mga mag-aaral.
Samantala, ang mga mag-aaral naman aniya na nasa flexible learning o online at modular classes ay hindi kinakailangan kumuha ng nasabing medical insurance.