Pagkatapos ng tag- init, malalakas na bagyo paghandaan ayon sa Pagasa

CAMARINES NORTE – Ngayon pa lamang ay nagpapaalala na ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa lahat na paghandaan ang mas malalakas na bagyo pagkatapos na maranasan ang matinding init ng panahon.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Ronito Rodulfo, weather observer ng Pagasa Daet, sinabi nito na dapat paghandaan ang mga pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa huling bahagi ng taon kung kailan naman mararanasan ang La Niña.

Read More:  Love triangle eyed in Davao de Oro graduate shooting

Paliwanag ni Rodulfo, hindi dapat balewalain ang bagyo kahit nasa Tropical Depression o mahinang bagyo pa lang ang category dahil kahit ito pa lang ay posibleng magdulot ng matinding pinsala sa buhay at ari- arian.

Read More:  Wing van carrying construction materials crashes into house in Cebu

Aniya, wala nang mahinang bagyo sa panahong ito dahil na rin sa epekto ng global warming. Kung tutuusin, naging paborable pa nga ang naranasang El Niño sa pagkakabuo ng malakas na bagyo.

Ang mainit kasing temperatura ng dagat ang isa sa ingredients para ma- develop ang bagyo.