Tumanggi muna ngayong araw si Senadora Risa Hontiveros na ibigay ang buong detalye ng kanilang napag-usapan sa executive session dahil ongoing pa umano ang imbestigasyon ng ilang ahensya.
Ngunit ibinahagi niyang isa ang illegal revenue flows sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa mga tinalakay nila sa buong umaga ng sesyon.
Anya, bagamat nagkaroon sila ng talakayan ay hindi pa rin naging malinaw ang pagkatao ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na siyang isa sa mga pangunahing pokus ng imbestigasyon.
Ayon sa senadora, imbis kase na mabawasan ang mga katanungan sa pagkatao ni Guo ay tila mas dumami pa ang dapat malaman.
Alinsunod nito, umaasa siya na magkakaroon ng solidong posisyon ang National Security Council hinggil sa katatapos lang na session at nawa’y umaksyon na rin umano ang Pangulo sa kabuuang pagba-ban ng POGO sa bansa.