Pagkamatay ng mga isda sa 2 barangay Tinambac, Camarines Sur , iimbestigahan na

CAMARINES SUR- Iniimbestigahan na ng  Coastal Resource Management Office (CRMO) ang insidente ng pagkamatay ng mga isda sa Tinambac, Camarines Sur.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO)  Romil Estolano matapos na ireport sa kanila ang nangyari sa Barangay Buenavista.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sinabi naman sa Brigada News FM Naga ni Union Punong Barangay Hernel Bañares, naobserbahan ng mga mangingisda nitong Sabado’t Linggo ang paglitaw ng mga isda hanggang sa makita na may mga patay nang nasa dalampasigan. Hindi lamang isda kundi pati mga alimango ang apektado. Sinabi pa ng opisyal na sa kaniyang pagkakalaam wala namang gumagamit ng lason o kaya dinamita sa kanilang barangay.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire