Pagkamatay ng dalawang guro ng DepEd sa Iloilo, nilinaw na hindi dahil sa heatstroke

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na ang napaulat na pagkamatay ng dalawang guro sa Iloilo ay hindi nauugnay sa heat stroke, kundi dahil sa iba pang sakit.

Inilabas ng DepEd ang pahayag bilang tugon sa isang Facebook post na nagsasabing dalawang guro ang namatay sa heatstroke habang nagsasagawa ng kanilang mga klase, na inilarawan naman ng ahensya na “inaccurate” at “misleading.”

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Binanggit ng DepEd na pumanaw ang isa sa mga guro nito sa Sta. Barbara noong Pebrero 2024 dahil sa Hypertensive Cardiovascular Disease, habang ang isa pang guro ay pumanaw naman noong Marso 2024 dahil sa Aneurysm.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Sa pagbibigay diin ng ahensya sa kahalagahan ng pagpapakalat ng totoong balita, nagpaabot din ito ng pakikiramay sa mga naulilang pamilya ng mga guro.