17-anyos na lalaki, patay matapos saksakin ng barbeque stick sa QC

Patay ang isang 17-anyos na lalaki matapos saksakin ng barbecue stick at bread knife sa gitna ng away sa Quezon City.

Ayon sa kaibigan ng biktima, nakatambay sila sa labas ng isang bilyaran sa Barangay Quirino 3A nang bigla silang pinalibutan ng grupo ng mga lalaki na karamihan ay mga menor de edad.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Dagdag pa niya, tinanong sila ng mga suspek ngunit nang di sila nakasagot ay bigla nalang silang sinapak.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Nagawa pang makatakas ng biktima ngunit naabutan siya sa kahabaan ng Anonas sa Quezon City at dito na siya pinagsusuntok at pinagsasaksak.

Sa ngayon, tatlong 18-anyos ang naaresto at 8 menor de edad ang nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development.