Pagkakaisa ng mga muslim muling nasilayan sa pagdiriwang ng Eid’l Adha sa Naga; okasyon naging mapayapa

NAGA CITY – Muling nasilayan ang pagkakaisa ng mananampalatayang muslim sa Naga City sa pagdiriwang ng Eid’l Adha.

Umabot ng 2,500 ang bilang ng mga muslim na dumalo para manalangin kaugnay ng Feast of Sacrifice sa mosque sa Muslim Compound Concepcion Pequeña; ang iba sa kanila ay umuwi pa sa lungsod para sa okasyon.

Read More:  Kabankalan to host first-ever night run, half marathon on July 26

Ayon kay Imam Jafar Papandayan, sinimulan nila ang selebrasyon kaninang 6:30 ng umaga sa pamamagitan ng isang dasal at pagkatapos ay nagbigay ng sermon na nakasaad ang importansya ng sakripisyo na isinagawa ng propetang si Abraham.

Read More:  Severed woman’s head found in Cebu as police probe link to missing caregiver

Pagbibigay-diin pa ng Imam, 3 araw na magkakaroon nang pagkatay ng kambing kung saan bilang bahagi ng sakripisyo at malasakit, ipinamamahagi nila sa mga pamilya ang mga kinatay na karne.

Nakiisa rin sa okasyon ang ilang opisyal ng Naga City, barangay at mga pulis na nakakatuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan.