Pagiging Sharonian ng isang netizen, huli sa Google Maps!

Minsan ka na bang nakantahan ng “Balutin mo ako?” habang nag te-take out sa birthday parties, fiesta, o sa kahit na anong okasyon?

Good vibes talaga pag na-witness ng lahat ang iyong pagiging Sharonian!

Pero kung sini-sikreto mo ang pagbabalot tuwing handaan, can’t relate ang isang netizen na si Jayon Bustamante.

Habang pauwi kasi ito nang may dala-dalang pagkain na galing sa birthday party na dinaluhan nito, nakuhanan kasi siya ng Google Maps kaya huling-huli si Ate Shawy!

Saad naman ng mga netizens, sana raw ay sa kabilang kamay na lang niya nilagay ang handa para hindi halata.

May isa namang nagsabi na kahit nalagpasan niya ang mga CCTV sa handaan, wala siyang takas sa Google Maps!