Muling nagpaalala ang Department of Trade and Industry Isabela sa mga konsyumer na maging mabusisi sa pagbili ng mga produkto online upang hindi maloko ng mga hindi lehitimong nagbebenta.
Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay DTI-Isabela Provincial Director Winston Singun, marami pa rin umanong natatanggap na reklamo ang kanilang ahensya tungkol sa mga konsyumer na naloloko ng mga online seller.
Dahil dito, muling ipinaalala ni Dir. Singun na siguraduhin na ang mga nagbebenta ay dumaan sa lehitimong platform at mayroong business permit mula sa LGU at DTI.
Ito ay upang matulungan ng ahensya ang konsyumer na hanapin ang buyer at maresolba ang problema nito sa nabiling produkto.
Kugnay dito, ilan aniya sa solusyong ginagawa ng mga negosyante ay ibinabalik na lamang ang pera ng konsyumer o pinapalitan ang nabiling item.
Samantala, bilang selebrasyon sa Consumer Welfare Month ay magpapatuloy ang webinar ng DTI Ro2 upang mabigya ng kaalaman ang mga digital konsyumer sa ligtas na online transactions.