Pagiging ‘insurgency-free’ ng Davao Region, itinuturing na tagumpay ni Pangulong Marcos

Wi-nelcome ni Pangulong Bongbong Marcos ang deklarasyon sa buong Davao Region bilang ‘insurgency free’.

Sa pagharap ng Pangulo sa Eastern Mindanao Command Headquarters sa Panacan, Davao City, kanyang inilarawan bilang ‘collective victory’ angpagkamit ng kapayapaan at seguridad sa rehyon.

Read More:  DOTr to pilot cashless payment system on EDSA Busway

Aniya, ang deklarasyon nito sa Davao region ay patunay lamang na walang lugar ang extremisim at senseless violence sa Pilipinas.

Dahil dito, umaasa si Marcos na mas lalago pa ang turismo at pamumuhunan sa Davao.

Read More:  OVP’s ₱785.2 million budget passes Senate committee in 16 minutes

Idiniin ng Pangulo na ngayong wala nang problema sa seguridad na pumipigil sa progreso sa rehyon – mabibigyan na ng daan ang mga negosyo, pati na rin ang mayabong at aktibong ekonomiya sa lugar.