Pagdudumi sa open area sa Cauayan City, ipinagbabawal na; lalabag sa ordinansa, papatawan ng multa

Ipinag-utos ng Local na Pamahalaan ng Cauayan City ang pagsunod ng bawat Cauayeño sa zero open defecation o pagdumi sa mga pampublikong lugar alinsunod sa Ordinance No. 2024-573.

Nakasaad sa nasabing ordinansa na bawal ang pagdudumi sa mga lansangan, labas ng tahanan o anumang lugar na expose sa kapaligiran maliban sa comfort room dahil ito ay nakasasama sa kalusugan.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ipinagbabawal din ang pagtatapon ng diaper, napkin, tissue at iba sa mga pribado at pampublikong lugar tulad ng ilog, creeks, drainage canals at iba pa.

Mandato naman sa bawat barangay na bumuo ng Barangay Sanitation Task Force upang magsagawa ng inspeksyon sa mga tahanang mayroon at walang palikuran dahil magbibigay ang LGU ng sanitary toilet.

Ang nasabing task force ay binubuo ng Barangay Kapitan, Rural Health Midwife, Kagawad on Health, Barangay Health Worker, at SK Chairman.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Papatawan ng kaukulang multa ang sinumang mahuhuling lumabag sa ordinansa kung saan ang 1st offense ay P1, 000; P2,000 sa 2nd offense at P3,000 naman ang 3rd offense.

Kaugnay niyo, kung hindi makakapagbayad ng multa ay sasailalim sa dalawang hanggang limang araw na community service.