Arestado ang dalawang lalaki habang hindi pa nahuhuli ang dalawa pa nitong kasamahan matapos magnakaw ang mga ito ng cable wires at tricycle sa Barangay Bocohan, Lucena City nitong Martes, Hunyo 18.
Ayon sa report, bandang alas-2:00 ng madaling araw nang bigla umanong makaranas ng brown out ang mga biktima ngunit nang i-check nila ito, sila lamang ang nawalan ng kuryente.
Doon na nagpasya ang mga biktima na tingnan ang linya ng kuryente kung saan doon na nila nakita ang suspek na may dalang plies at sako na naglalaman ng electric cable wires.
Samantala, hinuli ng mga residente sa lugar ang dalawang suspek at narekober mula sa mga ito ang mga ninakaw na tricycle at cable wires habang ang dalawa pa ay nakatakbo palayo.
Sa ngayon, inihahanda na ang kaukulang reklamong theft at carnapping laban sa mga suspek.