Pagdinig ng Senado kay Apollo Quiboloy, itatakda na

Tiniyak ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Chairperson Senador Risa Hontiveros na maitatakda na rin sa lalong madaling panahon ang susunod na pagdinig kay Apollo Quiboloy.

Ito ay matapos tuluyang mahuli ng mga otoridad ang televangelist.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Sa isang video, sinabi ni Hontiveros na sa sandaling maitakda nila ang petsa ng susunod na hearing kay Quiboloy sa Senado, susulat na agad siya sa kinauukulang korte para makasigurong makadadalo rin ito.

Sinabi ng senador na marami silang itatanong sa church leader gaya ng tungkol sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ na pinagmalupitan at inabuso nito – lalo na sa mga menor de edad; babae man o lalaki, at bakit niya ginawa ito.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Uungkatin din umano ng Senado ang ginagawang human trafficking ni Quiboloy sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.