Kampo ni Ong – dumulog sa SC para payagan siyang manahimik sa Kamara

Nagtungo ngayong hapon si Atty. Ferdinand Topacio sa Korte Suprema para i-file ang isang petition for certiorari.

Layunin nitong kilalanin ng Kongreso ang karapatan ni Cassandra Li Ong na manahimik na lang at ‘wag magsalita sa pagdinig ng Kamara para ‘di niya ma-incriminate ang kaniyang sarili.

Una nang sinabi ni Topacio, na mas gugustuhin umano nito na makulong kaysa dumalo sa mga susunod na congressional hearings.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Samantala, kinumpirma na rin ng Kamara na magaling na at nakalabas na sa ospital si Ong, isang araw bago ang ika-limang pagdinig ng Quad Committee hinggil sa war on drugs, illegal POGO operations at extrajudicial killings.

Ayon kay House of Representatives Medical Director Dr. Louie Bautista, handa ang in-house medical personnel na tumugon sa anumang medical condition na maramdaman ni Ong sa pagpapatuloy ng pagharap nito sa imbestigasyon.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Dinala sa ospital si Ong noong nakaraang linggo dahil sa mababang blood sugar at blood pressure nang humarap ito sa Quad Comm hearing.

Nasa kustodiya siya ng Kamara matapos ma-deport mula sa Indonesia kung saan ito inaresto kasama si Shiela Guo.

Mababatid na si Ong ang kinatawan ng Lucky South 99 na dating lisensyadong POGO hub sa Porac, Pampanga na ni-raid ng mga awtoridad dahil sa umano’y ilegal na mga aktibidad kabilang ang torture.