Pagdepensa sa kasalukuyang Konstitusyon, hindi raw “assault” – senador

Nanindigan si Senador Chiz Escudero na hindi kailanman maituturing na “assault” ang paghahanap sa katotohanan sa likod ng umiikot na “pekeng initiative”.

Ito ay matapos ang paghahain ng Kongreso sa House Resolution 1562 na nagsasabing isang “intense assault” sa kanila ang aksyon ng Senado tungkol sa people’s initiative (PI).

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Kaugnay nito, nilinaw ni Escudero na wala siyang nakikitang mali sa pagtayo at paglaban ng Senado para sa “true”, “right”, “moral” at “just” sa likod ng PI.

Read More:  House prosecutor says VP Sara Duterte cannot be mere spectator in impeachment trial

Dagdag pa niya, ‘di dapat ito tawaging “assault” dahil isa lang itong pagdepensa.

Samantala, naniniwala naman umano ang senador na tanging si Pangulong Bongbong Marcos lang ang makapagbibigay ng tuldok dito.