Pagdedeklara ni Briones na ‘successful’ ang school opening, pinuna ng isang grupo

“What’s there to celebrate?”

Ito ang tugon ng isang grupo ng education workers matapos na ideklara ni Department of Education Secretary Leonor Briones bilang ‘successful’ ang opening ng School Year (SY) 2021-2022 sa kabila ng mga problemang hindi pa rin nasosolusyonan ng tanggapan.

Sa isang virtual program para sa National School Opening Day Program, inihayag ni Briones ang pagdiriwang ng DEPED sa umano’y muling matagumpay na pagbubukas ng klase sa ilalim ng distance learning.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Hindi ito ikinatuwa ng grupo ng ACT dahil nagpapahayag lamang umano ito na huli ang Pilipinas sa pagbubukas muli ng mga paaralan kumpara sa ibang mga bansa.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Hindi rin umano rason ang mga problema ng mga magulang, mag-aaral, at mga guro tulad ng kakulangan sa gadget, maliit na suporta sa internet, kulang na modules, at milyong milyong kabataan na hindi nakakaenroll upang ipagdiwang ang pagbubukas muli ng klase.

Nanawagan ang grupo kay Briones na resolbahin at idulog kay Pangulong Duterte ang mgae problemang ito upang mapunan ang pangangailangan ng sektor ng edukasyon.