Pagdating sa bansa ng karagdagang doses Sputnik V Covid-19 vaccine, maaantala – NTF Against COVID-19

Bahagyang maaantala ang pagdating sa bansa ng karagdagang 50,000 doses ng bakuna kontra covid-19 ng Sputnik V.

Ito ang kinumpirma ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr.

Mababatid na ngayong buwan ay nasa 150,000 dose ng Sputnik V covid-19 vaccine ang inaasahang darating.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Ayon kay Sec. Galvez, nakatanggap sila ng formal communication mula sa kinatawan ng Russian Direct Investment Fund na nagsabing maaantala nga ang pagdating ng nasabing bakuna dahil sa ongoing upgrades at development nito.

Kaugnay nito, kanila na umanong naabisuhan ang mga local government unit na nakapagbakuna na nakapagbakuna na sa kanilang mga residente ng unang dose ng Sputnik V na iusad ang kanilang schedule para sa ikalawang dose.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Bagama’t may delay sa delivery, tiniyak naman ng vaccine czar na hindi ito makakaapekto sa efficacy o bisa ng bakuna.

Samantala, wala pang petsa kung kailan dadating sa bansa ang mga nasabing dose ng Sputnik V.