Isang simpleng mensahe lamang umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na dapat seryosohin ang pagpapabakuna kontra covid-19 ang sinabi nito kamakailan na ipapaaresto at ipapakulong niya ang mga Pilipinong ayaw magpabakuna.
Ito ang sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary at Acting Spokesperson Odilon Pasaraba.
Sa Laging Handa Media Forum, ipinunto ni Asec. Pasaraba na nais ni Pangulong Duterte na iparating sa mga tao na huwag hayaan na masayang ang oportunidad na mabakunahan kontra covid-19.
Aniya, ang intensiyon na ito ng Presidente ay suportado ng DILG sa pangunguna ng kanilang kalihim na si Sec. Eduardo Año.
Dagdag pa ng opsiyal na pgdating sa vaccination program ay kailangan ng kooperasyon ng lahat at kung nasa priority list na ay agad nang magpaturok.