Pagdami ng mga Chinese sa Multinational Village, nais imbestigahan sa Senado

Naghain ng resolusyon si Senador Raffy Tulfo para maimbestigahan sa Senado ang pagdami ng mga Chinese sa Multinational Village sa Paranaque City.

Sa Senate Resolution 1043, binigyang-diin ni Tulfo na ang pagkabahala ng mga mga homeowners sa Multinational Village hinggil sa lumalaking presensya ng mga manggagawang Chinese na nauugnay sa Philippine overseas gaming operators (POGOs) mula noong 2019.

Naaresto rin ng Bureau of Immigration ang tatlumpu’t pitong Chinese nationals sa nasabing lugar dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa iligal na pagbebenta ng pagkain, groceries at pago-operate ng mga restaurants.

Napagalaman din ng mga awtoridad na walang business permit mula sa asosasyon ang mga establisyimyento.

Ayon kay Senator Tulfo, na bukod sa BI, nakipagtulungan na siya sa Presidential Anti-Organized Crime Task Force at National Bureau of Investigation para imbestigahan ang katayuan at aktibidad ng ang mga Chinese sa Multinational Village.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *