Pagdagsa ng mga modernized jeepneys, malaking hamon sa task force SK3

Aminado ang Seguridad, Kaayusan, Katranquiluhan Kauswagan Task Force (SK3) ng City LGU na malaking hamon para sa kanilang hanay ang patuloy na pagdami ng mga namamasadang sasakyan na pumapasok sa sentro ng lungsod dahil sa pagdagsa ng mga modernized jeepney na nagsimula nang mamasada kasabay ng mga tradisyunal na jeepney.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay SK3 head Arnel Anchinges, sinabi nito na kung dati ay pawang mga lumang jeepney lamang ang kanilang minomonitor, ngayon aniya ay nadagdag na dito ang mga makabagong jeepney na lalong nagpapabigat sa daloy ng trapiko kung hindi sila maghihigpit sa pagpapatupad ng batas trapiko gaya ng mga tamang parking, loading at unloading area at pagdaan sa mga itinakdang ruta.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Nanawagan ito sa lahat ng tsuper na huwag pairalin ang init ng ulo lalo na tuwing nasisita dahil ipinapatupad lamang nila ang naayon sa batas para mapanatili ang maayos na sitwasyon sa sentro ng lungsod.