Naniniwala si Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian na maituturing na tamang forum ang pagdinig ng Senado para sa pagsasalita ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairperson, Alejandro Tengco.
Kasunod ito sa nabanggit niyang pahayag tungkol sa dating miyembro ng gabinete na di umano’y tila naging backer ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na sangkot sa iligal na operasyon.
Alinsunod nito, nanawagan si Gatchalian kay Tengco na pangalanan na ito upang mas lalo pa umanong lumawak ang hawak na impormasyon ng komite ng Senado na siyang tumatalakay sa isyu nito.
Maliban pa roon, inilantad niya rin na nagtutugma ang nasabing impormasyon sa nakalap ng kanyang intel kaya marapat lang itong matalakay upang mapatunyan ang pagkalat ng galamay ng POGO sa mga matataas na opisyales.
Maalala, una ng ipinanawagan ni Senate President Chiz Escudero ang pagpangalan dito upang maiwasan ang pagdududa sa iba pang mga dating naging gabinete.