CAMARINES NORTE – Pinaghahandaan ng Commission on Elections ang pagbubukas muli ng voter registration sa Pebrero.
May mga series of meeting nang ginawa ang Comelec Bicol mula nang inanunsiyo ng komisyon ang muling pagbubukas ng voter registration kamakailan.
Sa February 12 hanggang September 30, 2024 ang registration period mula Lunes hanggang Sabado, kabilang ang holidays maliban na lang kung ideneklara ng Comelec na walang registration.
Ang mga eligible Filipino ay maaaring magtungo sa Office of the Election Officer o sa satellite registration sites sa kani- kanilang lugar sa mga nabanggit na araw at oras.
Ayon kay Election Officer III Annelyn Abanes, tatanggap ang Comelec ng reactiviation, registration, correction of entry, change status at transfer.
Walang voter registration sa March 28, 29 at 30, 2024 upang bigyang daan ang pag obserba sa Semana Santa.
Noong nakaraang voter registration, nakapagrehistro ang Comelec Camarines Norte ng 392, 980 regular voters hindi pa kasama ang nasa 144, 337 na nagparehistro naman sa Sangguniang Kabataan.
