Pagbabawalan muna ang pagbisita sa mga kaibigan o kamag-anak na nakatira sa mga kalye sa Olongapo na mayroong naninirahan na positibo sa corona virus disease.
Ito ay kapag may mga nakakabit ng pulang watawat o red flag sa mga kalye para magsilbing babala sa mga residente na iwasan ang pagtambay, pagbisita at pakikihalubilo sa mga kapitbahay.
Matatandaan, iniutos ng city government sa lahat ng mga kapitan na magkabit ng red flag sa mga kalye pero mahigpit na ipagbabawal ang paglalagay nito sa mga bakuran o harapan ng mga bahay.
Ayon kay Abc Pres.Randy Sionzon, malaya namang makalalabas at makakapasok sa kalye ang mga residente pero obligadong umiwas sa pakikipag-kuwentuhan at pagpunta sa ibang bakuran.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
