Pagbili ng introvert influencer sa lahat ng ticket ng sinehan, inulan ng reaksyon

Isang influencer sa Malaysia ang nagdesisyong bilhin ang lahat ng ticket sa isang sinehan upang makapanuod mag-isa.

Ang rason – introvert daw kasi siya.

Ikinatuwa ito ng mga ilang netizens, lalo na ang mga introverted people o yung mga taong mga tahimik, mahiyain, at hindi maka function pag maraming tao.

Ani ng netizens, kung ganito sila kayaman ay gagawin rin nila ito!

Ngunit ang post ni Eriyca ay naging mitsa ng diskusyon sa social media dahil kahit natuwa ang iba rito, para sa ibang netizens, napasobra yata ang kanyang pagiging privileged.

Sa kabila ng diskusyon, napagalamang hindi pala ito totoo dahil sadyang wala lang talagang nanunuod ng sine nang sila’y pumasok sa loob.

In-enjoy niya na lang niya mismo ang pag-aaway ng mga netizens sa kanyang comment section.