Pagbebenta ng smuggled sugar sa Kadiwa centers, okey kay PBBM – Palasyo

Inaprubahan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbenta sa mga nakumpiskang smuggled sugar sa P70 kada kilo sa Kadiwa centers.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), inaprubahan kamakailan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang rekomendasyon ng Sugar Regulatory Authority (SRA) na ibigay bilang donasyon sa Department of Agriculture (DA) ang 4,000 metric tons ang nahuling smuggled refined sugar upang maipagbili sa publiko sa mga Kadiwa Centers sa halagang katumbas ng actual mill gate prices na sa ngayon ay nasa P70 per kilo.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Maliban dito, ipinag-utos din umano ng pangulo sa DA at SRA na makipag-ugnayan sa Bureau of Customs (BOC) at iba pang ahensya ng gobyerno na ang mga asukal na ibebenta ay pumasa sa food safety act at iba pang regulasyon.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Mababatid na ang presyo ng refined sugar sa merkado ay nasa pagitan ng P86 at P110 kada kilo.

Samantala, suportado naman ng United Sugar Producers Federation of the Philippines (UNIFED) ng naturang hakbang ng Palasyo.