Pagbaril sa Mariahangin, Balabac, Pinag-iimbestigahan ng Pulisya

Pinag-iimbestigahan ng Balabac Municipal Police Station (MPS) ang insidente ng pagbaril sa Sitio Mariahangin, Bugsok, Balabac, Palawan noong Hunyo 29, 2024.

Ayon sa ulat, dalawang security guard na nakasuot ng bonnet ang nagpaputok ng baril ng walang pakundangan sa lugar.

Nagsimula ang insidente nang dumating ang isang grupo ng mga hindi nakikilalang indibidwal sa isla ng Mariahangin bandang alas-tres ng madaling araw noong Hunyo 29. Nakasuot din sila ng bonnet at nagpaputok ng baril ng walang pakundangan. Nang makarating ang mga residente sa lugar ng insidente, hinarap nila ang mga indibidwal.

Bandang alas-siyete ng umaga noong Hunyo 30, nagkasundo ang Operations Manager ng JMV Security Services na limang security guard lamang ang magbabantay sa isla.

Patuloy na nagsasagawa ng monitoring ang Balabac MPS sa lugar upang mangalap ng mga ebidensya at iba pang dokumento na magagamit sa paghahain ng kaso.

Naganap din ang isang QUAD conference kasama ang mga tauhan ng Regional Community Support Unit (RCSU) upang talakayin ang insidente. Isang tauhan ng Balabac MPS ang naatasang magsagawa ng karagdagang imbestigasyon.

Samantala, nagdesisyon ang mga residente ng Mariahangin na huwag munang maghain ng reklamo habang naghihintay ng payo ng kanilang legal counsel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *