Pagbabakuna ng aso sa Legazpi City, tuloy pa rin kahit nagsimula na ang campaign period sa sa BSKE – City Vet

LEGAZPI CITY – Kahit pa nagsimula na ang pangangampanya para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), tuloy pa rin ang Legazpi City Veterinary Office sa pagbabakuna ng mga alagang aso sa lungsod.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay City Vet Dr. Emmanuel Estipona, sinabi nito na hindi ipinagbabawal ng COMELEC ang pagbakuna sa mga barangay dahil hindi naman kinakailangan ng barangay officials sa pagbakuna.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon kay Estipona, mas mahalaga sa kanila ang presensya ng mga Barangay Health Workers dahil sila ang nakakaalam ng bilang o estado ng mga nag aalagang aso.

Aniya, hindi naman apektado ng eleksyon ang kanilang programa at hindi kailangan magdala ng campaign materials dahil isa itong paglabag sa rules ng COMELEC.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Layunin nila na maiwasan nang magkaroon ng kaso ng rabies at mabawasan ang bilang ng mga nakakagat ng aso.

Samantala, target nilang makuha ang mahigit 90% na coverage sa pagbabakuna sa mga aso sa lungsod bago magtapos ang taong 2023.