NAGA CITY – Bagamat bumaba sa 3.4% ang inflation rate sa Camarines Sur sa buwan ng Pebrero batay sa tala ng Philippine Statistics Authority, mabigat pa rin ito sa iilan na may maliit na negosyo. Batay sa iprinisinta ng ahensya sa data presentation na ginanap kahapon, Marso 11, 2024, ito ang pangatlo sa pinakamababa sa tatlong probinsya sa Bicol.
Batay sa inflation report ng ahensya noong Enero, mas mababa ito kumpara sa 3.6% na kanilang naitala. Ilan sa mga dahilan sa pagbaba ng datus ang mababang bayarin sa bahay, kuryente at produktong petrolyo.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Marites Bergado, vendor sa Naga City People’s Mall, sinabi nitong bagama’t bumaba mabigat pa rin ito para sa tulad niyang may maliit na negosyo sa merkado, imbes aniya na maramihan ang bibilhin, kaunti nalang. Para makabawas sa gastusin at makabawi kahit papano sa pagnenegosyo, may mga ginagawa itong paraan.
Umaasa ito na sana ay magawan ng paraan ng pamahalaan ang mahal na presyo ng mga bilihin at mabalanse ang pagbigay ng serbisyo na sa bawat mamamayang pilipino.